BAGONG SIMULA SA 2010
Sa isang bansang tulad ng Pilipinas na dumanas ng sunud-sunod na kalamidad, hindi maikakaila na lubhang kailangan natin ang isang bagong simula. At ang mga hamon sa Pilipino ay hindi natatapos sa bakuran lamang ng Pilipinas. Kasama sa humaharap ng mga bagong hamon ay ang may walo hanggang sampung milyong Pilipinong nakikipagsapalaran ngayon sa ibayong dagat. Ayon sa pinakahuling datos mula sa Philippine Overseas and Employment Administration, kumpara noong 2008, sa kubuuan ay tumaas nang may 11.7 porsyento nitong 2009 ang bilang ng mga lumabas ng Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa. Pangunahing destinasyon pa rin ang Saudi Arabia, sinundan ng United Arab Emirates, at pinangatluhan ng Hong Kong kung saan napiling mamasukan ng may 75,742 manggagawang Pinoy.
““Si Bro Eddie lang talaga ang may